Monday, December 20, 2010

real fun:)) Supah!!!

being with my friends is my sweetest escape from all the stress of my life (kala mo naman talagang burn out na burn out) pero totoo. Bilang di ko na nakakasama ang exce ko dahil sa conflicts sa school schedules namen, nakakatuwa na kapag nakasama ko sila masaya naman kami kahit walang magawa tawa lang ng tawa. At napakasaya paden.









Monday, November 29, 2010

suntok.

Hindi mo ba alam
Damdamin ko'y pinagtakpan
Makasama ka'y suntok sa buwan

'Di mo nga alam
Mundo mo nga'y iyong tignan
Kung ganyan, walang pupuntahan

Hindi ko 'to gusto
Pero 'wag kang lalayo

Itanong mo sa akin
At tatanungin ko rin


Kung ika'y aamin
Lahat ay gagawin

'Di mo napapansin
Kailangan mo akong dinggin
'Di habang buhay ika'y aantayin

Ito'y aking hiling
At sana naman ay tanggapin
Ng puso ko'y 'di nabibitin

Wednesday, November 3, 2010

10 things I hate about myself, my life, my entire human being. grrr

Sometimes, nakakainis pag nakakainis (malamang!) Basta, there are few things about my life that I don't like pero syempre diba we should love ourselves because it's a gift from God but sometimes I just don't feel it's a gift. haha. I'm so bad. PEACE.

1. ACCOUNTING. kahit basic accounting. MAHIRAP eh.

2. Ang tulay ng Ilang- ilang na ginagawa at talagang nagpapahirap sa buong sambayanan.

3. Table tennis, the ball that never bounces, and my being not-so-sporty, let me rephrase that. My being not-so-athletic AT ALL!

4. My height and my weight. Enough said. hmmp.

5. Ang bibig kong armalite. period!

6. Di ako marunong lumangoy kahit na madalas akong lumublob sa pool.

7. My damaged hair. SPLIT ENDS.

8. Sometimes, I mean, most of the time, I am invisible. No one seems to acknowledge my presence. awww.

9. I am so mean. I am so bad.

10. I SUCK. madalas akong mahulog, matapilok, mauntog, madapa, magasgasan, at marami pa. Sa madaling salita, TANGA AKO.


But I still love myself even if I have lots of reasons not to. :)

Thursday, October 21, 2010

the rain (ang ulan)

Baket kaya maraming tao ang nalulungkot pag umuulan?

Nalamang, malulungkot ka at maiinis ka pag umulan tas wala kang payong ESPECIALLY kung katulad kitang tumatawid pa sa tulay para lang maka-uwi.Madami nalang bagay ang nakakabadtrip, isa na dun ang pag-ulan ng wrong timing.Wala lang, umuulan kasi at wala akong magawa, kwsa magdroga ehdi mambwisit nalang ng kapwa tao.

Nalulungkot siguro ang tao sa ulan kasi may sampay sila sa labas at di na naman matutuyo sa araw at babaho pag hindi na-downy.

Nalulungkot kasi sisipunin pag nabasa ng ulan.

Nalulungkot kasi umaanggi sa bintana.

Nalulungkot kasi malungkot pag umuulan.

YUN LANG.

I THANK YOU.

Monday, August 30, 2010

...HAPPY or NOT?

Got sick but fortunately my Kuya Andrew passed the Nursing Board exam. haha

EXAMS

EXAMS

EXAMS

I hate being a student, all I want are the perks. BAON, GALA & BOYS.

last one's just a joke, I'm serious with the first two. ☺

Wednesday, June 23, 2010

my thoughts about me being NBSB.

Some would really say its boring. Then I would ask why? They cannot answer my question because they were not NBSB anymore.

I don't really know why this is the topic of my entry. But since I'm here na, then talk about it na diba?

Growing up in a family where I am the bunso and the only girl, I am so loved that's why I'm not asking for more. Char!

just kidding.

Actually di ko din alam kung baket eh. At kung asan man ang sagot eh dun nalang sya kasi as far as I know, may boyfriend ako at yun ay si papa. Honestly, I've seen so many people who's world revolves around someone they love so much na kahit na nasasakatan na sila, they are still willing to hold on. I never imagined myself crying and hurting because of something kung may choice naman ako diba? Life is still about the choices you've made so stand by it.

And again.

Why am I an NBSB?

It's because I chose to be one and I'm so happy about that.

happy day.

today was a very very happy day. Eto na ang katuparan ng mga minimithi kong pangarap. My friends will understand me. For sure.
Right now were on jaymee's place celebrating ria's bday. What a hectic day. Haha.
How i really wish that 10 minute trip will last forever. it can't but i'm really thankful for a moment i'll cherish forever.
Okay kain lang ako.haha.

Monday, May 17, 2010

jejemons,

lately natutuwa ako sa mga jejemon issue.

jejebet

jejebuster

at kung ano ano pa.


nakakatuwa lang.

jejeje

Thursday, March 25, 2010

ang picha pie



masarap ang picha pie anu?

Pero bakit nga ba picha pie? di'ba dapat PIZZA pie. Actually, di ko din alam eh.

Katulad ng prigider. Di ko din alam.

Ang lahat naman ng bagay. Kahit gaano mo ipilit wala ka ng magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na hindi ikaw, na hindi naging ikaw at hindi magiging ikaw kahit magtambling ka pa at magbababaldog dyan wala kang magagawa.

katulad ng puso ko, na nagmamahal sayo. Di ko alam kung bakit. Ayiiiieee.

I don't know what's happening but I......... di ko nga alam eh.


Ang korni ko.

Tapos na kase ang pagiging first year ko eh. Masaya naman kaso nga lang syempre wala ng baon. At the same time I'm happy naden kasi di na ko mate tempt na kumain sa Mcdo.

Tuesday, March 23, 2010

back after a year.

I didn't really intended to write one year after the last post. But it just happened. And it's was kinda fun to write about the things that happened after one year of a new exciting life.

first stuff would be about my college life.

photo blog please *drumroll*


yah. I'm one of those girls who wears that white unifrom. Making everyone ask me the same "nakakarinding" question over and over again- "nursing student ka ba?"

but CEU is the place where I met lots of people.


(at madami pa!!!)

a lot has changed and I think I'm gonna take or write things a step at a time.