hahaha,
2009 na,
wala lang.,
teka lang. minsan naisip mo na bang gumawa ng mga wirdo at nakadiring bagay pero alam mo naman na magtatagumpay ka pag ginawa mo yun?ako, parate, ung tipong "do or die." So ngayon,
gusto ko lang mag-share ng mga tip.
bagong taon, bagong buhay.
ano bang tip? tips pala?
o sige, yung pwedeng ma-apply sa pang-araw-araw na pamumuhay,
tip # 1: Gawing dental floss ang buhok.
when to use? --pag natinga ka ng bonggang bongga dahil ang ulam mong porkchop ay niluto ng isang taong maylakad ata kaya nagmamadali (baka may date!) .Wag ka ng mag-maganda! hihintayin mo pa bang mangawit ang dila mo kakasungkit sa tinga mong parang linta kung kumapit o hihintayin mo pa bang maubos ang buhok mo kakakamot sa inis dahil sa ulam mong parang bato sa tigas, sampung libong taon mo na ngang nginuya pero natinga ka pa den.
effectiveness (based on my experience) : mga 90% kasi minsan pag sa bandang mga sobrang dikit na ngipin, napuputol ang buhok depende na lang kung pantene ang shampoo mo na 100 times ticker (pantene ba yun?)
tip # 2:  Ang taong basa pa ang buhok, kakadating lang. (tip ba to' o kasabihan ko?)
when to apply? --pag may lakad kayo tapos nalate ka tapos ung naghintay sayo sabi kanina pa daw siya.Wag ka munang maniwala! obserbahan mo muna ang buhok niya kung basang- basa pa, basa lang, o tuyo na. okay? ako naman, sa simbahan, pag puno ang tao tapos may mass pa after that mass eh maaga ka pumunta, tignan mo yung mga tao, kapag basa pa yung buhok, ibig sabihin nun kakadating niya din lang!
effectiveness (based on my experience) : 45% kasi kung rich ang friend mo, afford niya bumili ng blower o diba! susyal, may friend kang anak ng mayaman.
tip # 3: Kung sobra sobra na ang pagkainis sa isang tao,  laitin mo siya sa harap niya at ng mga kaibigan niya sa pamamagitan ng pagpapalit ng pangalan, lugar at oras ng panyayari kung bakit nanginginig ang laman mo pag nasisilayan mo ang nakakairita niyang mukha.
how to use? ganito lang yan (expert) kunyari naiinis ka sa babaeng yun kase siya ang crush ng crush mo, tas halimbawa, ang paboritong cartoon character nung babae na yun ay si hello kitty, na talagang lahat ng gamit niya hello kitty na para lang siyang hello kitty na tinubuan ng tao. Palitan mo sa pamamagitan ng paglilink ng pangalan niya, hello kitty diba? gawin mong tsaa at bakit naman? si hello kitty ay galing ng Japan, at ang Japanese ay mahilig sa tea ceremony kaya gawin mong tsaa ng sa ganon ay hindi niya mapansin na siya pala ang pinag-uusapan niyo. Ganun din sa lugar at panahon at iba pang details, as long as nagkakaintindihan pa kayo ng mga kaibigan mo.
effectiveness (based on my experience): 100% na mari-release mo lahat ng toxins mo sa katawan, siguraduhin mo lang na di obvious lagot ka pag nahuli ka!
okay ba? sana makatulong.haha
 
 
 
No comments:
Post a Comment